No Classes Announcement

Ipinababatid po sa lahat na walang pasok sa ika-28 ng Hulyo, araw ng Byernes sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Teresa dahil sa inaasahang patuloy na pagsama ng panahon at malakas na pag-ulan bunsod pa rin ng habagat na pinalakas ni Bagyong Goryo …MAYOR RSP

Wanted Suspect!!

Ito po ang computerized sketch ng isa sa mga suspek sa pagpatay kay konsehal John “Antog” San Jose anumang impormasyon ukol sa kinaroroonan o pagkakakilanlan ng taong ito ay maaari po lamang na ipagbigay alam sa Teresa Police Station o tumatawag sa Tel: 650-5739 / 0999-9586181.

Recognition 2017

Sa lahat po ng ating mga kakabayang nakapasa sa Licensure and Board Examination para sa Taong 2016-2017 mangyari lamang po na makipag-ugnayan sa tanggapan ng Sangguniang Bayan ng Teresa upang magawaran ng kaukulang pagkilala…

Power Interruption Announcement

Magkakaroon po ng pansamantalang pagkawala ng kuryente sa buong Teresa sa ika-10 ng Nobyembre 2016, Huwebes sa ganap na ika-12:00 hanggang ika-12:30 ng umaga at sa ika-4:30 hanggang ika-5:00 ng umaga. Ito po ay dahil sa paggawa ng kanilang pasilidad sa kahabaan ng Provincial Road sa Barangay May-iba, Teresa, Rizal.