Naging matagumpay ang pagdiriwang ng Kasarinlan ng Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo, 2017.

Sinimulan ng misa at maikling parada ang programa. Pinangunahan ni Punong Bayan Raul S. Palino at Pangalawang Punong Bayan Jose Jeriel S.D. Villegas ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas. Sinundan ito ng pag-aalay ng mga bulaklak ng mga organisasyon sa rebulto ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose P. Rizal. Namahagi din ang pamahalaang bayan ng pahayagan sa mga dumalo.

independence day 1 2017independence day 2 2017