jobfair2016

Dahil sa matagumpay na Job Fair ng Teresa noong nakaraang taon, nagkaroon muli ng Teresa Job Fair sa pangalawang pagkakataon noong Hunyo 28, 2016 na dinaluhan ng kulang-kulang na dalawang daang aplikante kung saan karamihan ay hired-on-the-spot at qualified. Ang nasabing job fair ay ginanap sa Teresa Multi-purpose Covered Court na nilahukan ng 15 companyang lokal at 2 overseas agency. Ang job fair ay masasabing matagumpay muli sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA)