20622596_1380588238691151_570986367_o

 

Nakamit ng Bayan ng Teresa ang 2016 Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG). Iginawad ang sertipiko bilang Seal of Child-Friendly Local Governance Awardee noong Martes, Agosto 1, 2017 sa regional awarding na ginanap sa Cultural Center of Laguna, Sta. Cruz,Laguna. Dinaluhan ito ng ating Punong Bayan Raul S. Palino, MSWDO Julian C. Veloris, MPDC Leila C. Reynes, at MLGOO Salve Gina P. Banawa.